Target ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda higitan pa ang nakuhang 80 porsyentong Trust and Satisfaction Rating ng PNP sa First Quarter 2023 Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.
Ito ang sinabi ng PNP Chief sa isang ambush interview matapos panumpain sa tungkulin ang 606 na bagong kapitan at tinyente sa ilalim ng lateral entry program ng PNP kahapon.
Ayon kay Gen. Acorda,
inaasahan niya ang mga bagong opisyal na maging tulay sa mga pulis sa kalsada at mga komunidad.
Bilin ng PNP Chief sa mga bagong opisyal, ibigay ang tamang serbisyo upang mapaganda pa ang nakuhang mataas na rating ng PNP.
Ang mga bagong opisyal ay binubuo ng 29 na abogado, apat na pari, dalawang pastor, at pitong doktor na binigyan ng ranggong kapitan; at 565 na dentista, psychologist, architect, engineer, chemist, IT, at line Officers na inisyal na binigyan ng ranggong tinyente. | ulat ni Leo Sarne