Mega Job Fair 2023 na inilunsad ng Malabon LGU, naging matagumpay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging matagumpay ang isinigawang Mega Job Fair ng Pamahalaang Lungsod na inorganisa ng Public Employment Service Office sa Malabon Sports Complex nitong Mayo 5, 2023.

Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, daan-daang mga taga Malabon ang dumalo sa job fair .

Sa tulong ng mahigit 50 na kumpanyang lumahok mula sa iba’t ibang sektor ng industriya, halos 10, 000 na bakanteng posisyon ang binuksan para sa mga taga-Malabon na nangangailangan ng trabaho.

Naniniwala si Mayor Sandoval na malaking tulong ang isinagawang job fair upang maikonekta ang ating mga determinadong kababayan na walang trabaho sa mahuhusay na employer na makapagbibigay sa kanila ng oportunidad na magkaroon ng hanapbuhay.

Ang kauna-unahang Mega Job Fair na isinagawa ngayong taon ay isa sa pinakatampok na aktibidad ng lokal na pamahalaan kaugnay sa pagdiriwang ng ika-22 taong pagkalungsod at ika-424 taong pagkakatatag ng Malabon. | ulat ni Rey Ferrer

?: Malabon LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us