Mga benepisyaryo ng proyektong pabahay ng NHA, pinagkalooban ng pondo para sa kabuhayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abot sa higit ₱2.025 milyong pondo na seed capital ang naipamigay ng National Housing Authority sa 135 benepisyaryo mula sa siyam na proyektong pabahay nito sa Naic at Trece Martirez sa Cavite.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang pondong naipamahagi ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng NHA sa Department of Social Welfare and Development.

Nilalayon nitong matulungan ang mga pamilyang benepisyaryo na makapagsimula ng kanilang negosyo sa bago nilang komunidad.

Pagtiyak pa ng opisyal na patuloy na makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang NHA sa pagpapatupad ng sustainable livelihood program. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us