Mga lokal na pamahalaan, inalerto ng NDRRMC kaugnay ng bagyong “Mawar”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang regional counterparts maging ang mga lokal na pamahalaan at ang publiko, sa epektong dulot ng Typhoon “Mawar”.

Batay sa ulat ng NDRRMC, nakahanda na ang 797,051 family foodpacks ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkakahalaga ng mahigit kalahating bilyong piso.

Puspusan na rin ang ginagawang ugnayan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga regional office nito, para sa ibayong pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa epektong dulot ng bagyo.

Sa ulat ng PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga lalawigan sa rehiyon ng MIMAROPA, Visayas at Mindanao mula Biyernes hanggang Sabado.

Gayundin sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas sa araw naman ng Linggo, dahil posibleng hatakin ng bagyo ang hanging habagat.

Patuloy na nakatutok ang NDRRMC sa sitwasyon, at magpapatupad ito ng kaukulang hakbang sakaling lumaki ang epektong dulot ng bagyo sa bansa bagaman maliit lamang ang tsansa na lumapag ito sa kalupaan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us