Sinimulan na ng ilang munisipalidad sa Lalawigan ng Rizal ang implementasyon ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Ikinasa ng mga lokal na pamahalaan ng San Mateo at Tanay ang orientation para sa mga benepisiyaryo ng SPES, upang ipaliwanag ang mga dapat asahan sa programa at ang matatanggap na kompensasyon.
Limampung kabataan ang dumalo sa orientation sa San Mateo habang 60 benepisyaryo naman sa Tanay.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang Special Program for Employment of Students (SPES) ay isa sa mga programa nito na nagkakaloob ng pansamantalang trabaho sa mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante.
Kasama rin sa makikinabang ang out-of-school youth at dependents ng mga nawalan o mawawalan ng trabaho.
Isinasagawa ang SPES tuwing panahon ng tag-init at Christmas vacation, upang dagdagan ang kita ng isang pamilya at tulungan ang mga bata na maitaguyod ang edukasyon. | ulat ni Hajji Kaamiño