MMDA, may babala vs. mga nagpapanggap na tauhan nila para manloko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko laban sa mga taong gumagamit sa pangalan ng kanilang tanggapan para manloko.

Ginawa ni MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes ang pahayag makaraang maaresto ang isang lalaki matapos na ireklamo, dahil sa pangongotong at pagpapanggap na tauhan ng nabanggit na ahensya.

Una rito, kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang naaresto na si Jacob Arellano, na nagpapakilala umanong tauhan ni MMDA General Manager Procopio Lipana.

Naaresto si Arellano sa ikinasang entrapment operations ng MMDA at ng QCPD, na nag-ugat sa sumbong ng biktimang nakilalang si Mildred Parra matapos siyang kotongan ni Arellano.

Nagpakilala si Arellano na taga-MMDA Office of the General Manager, at nanghingi sa biktima ng P7,500 para tubusin ang kaniyang commuter van na nahatak sa isang anti-colorum operations.

Nasundan pa ito ng paghingi ni Arellano ng P15,000 kada buwan sa biktima para sa kaparehong dahilan, na siyang nagtulak dito na magreklamo sa mga awtoridad.

Bagaman inamin ni Arellano na hindi siya tauhan ng MMDA maging ni GM Lipana, inireklamo pa rin siya sa mga kasong robbery extortion at usurpation of authority. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us