MWSS, tiniyak ang kahandaan sa worst-case scenario ng nakaambang El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na handa sila sa worst-case scenario sa nakaambang El Niño Phenomenon.

Ito ang pagtiyak ng MWSS Administrator Leonor Cleofas sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, kung saan tinatalakay ang sitwasyon ng tubig sa National Capital Region (NCR).

Aniya, napaghandaan ng MWSS ang malalang sitwasyon kung kasabay ng El Niño ay walang ulan o bagyong darating hanggang sa pangatlong bahagi ng taon.

Samantala, nilinaw rin ni Administrator Cleofas na hindi supply driven ang nagaganap ngayong water interruptions sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region.

Paliwanag ni Cleofas, sapat ang tubig na sinu-supply ng Angat Dam sa MWSS hanggang sa dalawang water concessionaires.

Aniya, hinihinaan lang ang supply dahil sa kalidad ng tubig mula sa Putatan treatment plant.

Payo naman ni Valenzuela Rep. Eric Martinez, na magtalaga ng “Easy hotline number” para sa MWSS na maaaring kontakin ng publiko sakaling may water leakages, upang agad itong maagapan at hindi masayang ang tubig. | ulat ni Me;any Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us