Puspusang ipinatutupad ng PNP ang 2023 National Crime Prevention Program na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Mayo 2 sa pamamagitan ng Executive Order 19.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na alinsunod sa plano, tinututukan ng PNP sa ngayon ang “Crime Prevention”.
Ito’y sa pamamagitan ng pag-alis ng mga instrumento ng karahasan, pag-account sa mga kriminal, “target hardening”, at pinalawak na presensya ng mga pulis sa lansangan.
Kaugnay nito, iniulat ng PNP Chief na 10,971 armas ang na-recover, isinuko at nakumpiska mula sa 3,435 na arestadong indibidwal; at 6,221 armas ang idineposito sa PNP mula Enero 1, 2023 hanggang sa kasalukuyan.
Naaresto din ng PNP ang 27, 948 wanted persons at tinanggap ang pagsuko ng 153 iba pang pinaghahanap ng batas sa loob ng kahalintulad na panahon.
Dagdag ng PNP Chief, sa panahon ding ito, na nutralisa ng PNP ang 187 grupong kriminal, sa pag-aresto ng 854 at pagsuko ng 86 na miyembro; at pagkumpiska ng 126 na armas. | ulat ni Leo Sarne