NEA, tiniyak na may sapat nang kuryente ang Occidental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng National Electrification Administration (NEA) sa Senado na tuloy-tuloy na ang suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Energy, ibinahagi ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda, na mula pa noong April 28 hanggang sa ngayon ay hindi na nagkaroon ng brownout sa naturang probinsya.

Sinabi rin ni Almeda, na 100 percent nang energized ang Occidental Mindoro matapos niyang kausapin ang may-ari ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC), para paganahin ang Samarica power plant na makapagsusuplay ng 20 megawatts na dagdag na kuryente sa lalawigan.

Una na kasi aniyang hindi napagana ang naturang planta, dahil sa kawalan ng provisional authority mula sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Tutulong aniya ang NEA sa pag-aasikaso ng mga legal na dokumentong kailangan, para sa pagtitiyak na magkakaroon ang mga residente sa Occidental Mindoro ng stable ng kuryente.

Nakikipag uganayan na rin aniya ang NEA sa Department of Eneregy at ERC, para sa pang matagalang solusyon sa energy crisis sa Occidental Mindoro. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us