NEDA, tiniyak ang suporta sa Bangsamoro Government para sa peace process

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinagtibay ng national government ang commitment nito na itaguyod ang kapayapaan at seguridad sa Mindanao lalo na sa Bangsamoro Region.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028 ang mga stratehiya upang suportahan ang kumpleto at smooth transition ng Bangsamoro Government.

Kabilang dito ang pagtulong sa Bangsamoro Transition Authority (BTA), partikular sa institution building, personnel development, at economic management.

Gayundin sa pagpapabilis ng normalization at transformation programs, at pagpapalakas ng intergovernmental relations mechanisms sa pagitan ng national at Bangsamoro governments.

Ipinaliwanag ni Balisacan, na ang mga naturang Istratehiya ay mahalagang sangkap tungo sa pagkamit ng social at economic development sa mga komunidad na apektado ng gulo.

Ito Ay sa tulong na rin ng partnership sa local at international development partners. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us