Humihiling ngayon ng pang-unawa ang Philippine Heart Center dahil hindi muna papayagan ang mga bisita o dalaw sa loob ng ospital.
Sa isang abiso, inanunsyo ng ospital na paiiralin muna ang No Visitor policy sa gitna ng tumataas na COVID-19 infections.
Ayon sa PHC, ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasyente, healthcare workers, support personnel; at para masigurong hindi rin magkakaaberya sa operasyon ng ospital.
Kaugnay nito, ang bawat pasyente ring maa-admit at watcher sa Philippine Heart Center ay kailangan nang sumailalim sa COVID-19 testing.
Habang ang mga health worker naman na may anumang sintomas ng sakit ay hindi muna papapasukin at papayuhang mag-isolate.
Sa kasalukuyan, nananatili namang normal ang operasyon sa PHC at mababa rin ang hospital utilization rate nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa