NWRB pinaghahandaan na ang contigency plan sa posibleng pagpasok ng el niño sa ating bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na ng National Water Resources Board ang magiging contegency plan ng ating bansa sa posibleng pagpasok ng El Niño phenomenon na magkakaroon ng supisyenteng supply ng tubig sa ating bansa

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, whole of government approach na ang kanilang ginagawang hakbang upang mapangalagaan ang seguridad sa supply ng tubig sa ating bansa katuwang ang iba’t ibang tanggapan at ahensya para tumulong sa pinangangambahang mahabang panahon ng tagtuyot.

Dagdag pa ni David, puspusan na ang kanilang monitoring sa mga water reservoir sa ating bansa gaya sa Angat dam na nagsusupply ng tubig sa mahigt 90% ng water supply sa Metro Manila.

Ani pa ni David, sa ngayon ay normal pa ang lebel ng tubig sa Angat.

Kaugnay nito, ayon sa PAGASA, nasa 80% ang posibildad na pumasok sa susunod na buwan ang el niño at posibleng umabot pa hanggang 2024. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us