Pag-apruba ni PBBM sa inamiyendahang batas na nagtatakda ng fixed term sa Military officials, welcome sa AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsang-ayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na amiyendahan ang batas na nagtatakda ng fixed term para sa mga pinuno ng Major Services ng Militar.

Ito’y makaraang lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11939 na nag-aamiyenda sa Republic Act 11709 kung saan, gagawin na lamang dalawang taon mula sa kasalukuyang tatlong taon ang termino ng Major Service Commanders.

Kabilang na rito ang Commanding Generals ng Army, Navy, at Air Force gayundin ng Superintendent ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay AFP Spokesperson, Colonel Medel Aguilar, napapanahon ang ginawang paglagda ng Pangulo sa inamiyendahang batas na siyang kinakailangan sa ngayon.

Naniniwala ang AFP na ang mga pagbabagong ito ay magpapatibay sa propesyonalismo ng Militar at masisiguro nitong magtutuloy-tuloy ang mga programa sa kanilang hanay.

Mapananatili rin ani Aguilar ang dynamic at progressive na sistema ng promosyon sa hanay ng Militar at mabibigyan din ng pagkakataon ang lahat ng senior officials ng AFP na ipakita ang kanilang husay sa pamumuno.

Bagaman mananatili sa tatlong taon ang termino ng Chief of Staff ng AFP sa ilalim ng fixed term, mapalalawig naman ng isa pang taon ang serbisyo ng mga sundalong may ranggong 2nd Lieutenant o Ensign hanggang Lieutenant General o Vice Admiral. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us