Pagbebenta ng sigarilyo at vape na mas mababa sa itinakdang presyo, ilegal — BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga nagbebenta ng tobacco products sa mas mababang presyo kaysa sa pinagsamang Excise Taxes at VAT sa ilalim ng batas ay mahigpit na ipinagbabawal.

Ginawa ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang pahayag kasunod ng inilabas na bagong tax update ng kawanihan na nagre-

regulate sa floor price ng sigarilyo, heated tobacco, vaporized nicotine, at non-nicotine products.

Alinsunod sa mga umiiral na batas, mandato ng BIR na magtakda ng floor price sa mga produkto ng sigarilyo.

Ang floor price o minimum retail price ng mga produkto ay ang kabuuan ng production cost o ang total landed cost habang pinagsama ang kabuuang Excise Tax at Value-Added Tax ng produktong tabako.

Sabi pa ng BIR Chief, ang sinumang nagbebenta o nag-aalok ng mas mababa sa mga presyong ito ay hindi nagbabayad ng mga tamang buwis.

Aniya, lahat ng lalabag ay papatawan ng multa alinsunod sa umiiral na batas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us