Paghahanap sa mga nawawalang sabungero, magpapatuloy sa bagong liderato ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa ilalim ng liderato ng bagong pinuno nitong si Police General Benjamin Acorda Jr.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Redrico Maranan, hindi tumitigil sa pagsasagawa ng tracking ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) upang matunton ang kinaroroonan ng mga ito.

Gayundin, ang pagsasampa ng kaso sa mga natukoy nang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero, kung saan ilan pa sa mga ito ay mismong mga miyembro rin ng Pulisya.

Sa hiwalay na pahayag, siniguro ni Acorda sa pamilya ng mga nawawalang sabungero ang pagresolba sa kaso sa lalong madaling panahon, upang maihatid sa kanila ang katarungang karapat-dapat sa kanila.

Hindi aniya titigil ang PNP hangga’t hindi napapanagot ang mga nasa likod ng pagdukot, kaya’t umaapela siya sa mga ito na sumuko na lamang at harapin ang parusang karapat-dapat sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us