Pagpapalawig sa charter ng National Housing Authority, ipinapanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ngayon sa Kamara ang panukalang batas para palawigin ang charter ng National Housing Authority (NHA).

Sa ilalim ng House Bill 8156 na inihain ni House Speaker Martin Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, aamyendahan ang Presidential Decree 757 na siyang bumuo sa NHA.

Dito ay itinutulak na gawing perpetual o panghabang-buhay ang charter ng NHA na nakatakdang mag-expire sa 2025.

Sa paraang ito, maliban sa pagpapalakas sa mandato ng ahensya, ay matitiyak ang pagkamit sa pagpapatayo ng anim na milyong kabahayan na bahagi ng Pambansang Pabahay Program ng Marcos Jr. administration.

“It is our commitment to ensure the success of President Marcos’ housing program that would bring a meaningful change and significant impact to the lives of ordinary Filipino people. The proposal will drive progress and address the need for decent housing for every Filipino family,” ani Romualdez.

Isinusulong din sa panukala ang pakikipag-ugnayan sa mga local government unit at private sector para sa mas episyenteng pagpapatupad sa housing projects ng pamahalaan.

Mayroon ding probisyon sa panukala para sa pagtatatag ng isang Disaster and Emergency Response Office na tututok sa emergency housing ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Malaki naman ang pasasalamat ni NHA General Manager Joeben Tai sa hakbang na ito ng Kamara. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us