Pagpapasara ng online accounts ng Tukomi Brothers, pinag-aaralan ng PNP dahil sa kidnapping prank

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapasara ng online accounts ng Tukomi Brothers, ang popular na You Tube content creator na may mahigit apat na milyong followers.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo kasunod ng kanilang ginawang kidnapping prank kamakailan.

Nasaksihan ng isang off-duty na pulis ang fake kidnapping, na muntik nang matuloy sa enkwentro.

Paliwanag ni Fajardo, ang ganitong prank ay delikado lalo pa’t tungkulin ng mga pulis na rumesponde sa anumang masaksihang banta sa seguridad.

Paalala ni Fajardo sa mga content creator sa social media na iwasang gumawa ng mga prank na posibleng ikapahamak nila.

Ayon pa sa opisyal, hindi maaring pabayaan ng PNP ang ganitong klaseng mga aktibidad dahil baka mag-domino effect at tularan ng iba.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan ng PNP ang mga karagdagang kasong pwedeng isampa laban sa Tukomi Brothers. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us