Pamahalaan, tiniyak na napag-aralan at ginagamit na ang biofertilizer sa loob at labas ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng pamahalaan na malawakan na ang paggamit ng biofertilizer sa loob man o labas ng Pilipinas.

Pahayag ito ni Agriculture Usec. Leocadio Sebastian, kasunod ng inilabas na Memoradum Order No. 32 ng tanggapan, na magsisilbing guidelines para sa mas malawak na paggamit ng biofertilizer sa bansa.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na bukod sa Amerika at Europa, ginagamit na rin ang biofertlizer sa India, China, at mga kalapit na bansa ng Pilipinas.

Ang nangyayari pa aniya sa kasalukuyan, ang mga Pilipinong eksperto pa ang nagtuturo sa ibang bansa kaugnay sa paggamit nito, at pagkauwi nila sa kanilang bansa, ay agad nila itong in-apply.

“Tinuturuuan natin ang Vietnman, Malaysia, Thailand, dito nag-aaral, pero di natin masyadong napapalawak ang paggamit ng mga ganitong teknolohiya. Habang ang mga pumupunta dito para mag-aral, pag-uwi nila, iyon ang ginagamit nila, at malawakan ang paggamit, hindi lang demonstration.”

Ayon kay Usec. Sebastian, dito sa Pilipinas, ilang taon na ring tini-test ang biofertilizer, at napatunayan naman na maganda ang performance nito, kumpara sa synthetic na fertilizer, kaya’t napapanahon na aniyang palawakin na ang paggamit nito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us