Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan ng House Speaker sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang mahanapan ng pangmatagalang solusyon ang kinakaharap na problema ng mga sugar farmer ng nagsarang Central Azucarera de Don Pedro, Inc. (CADPI) sa Batangas.
Sa pamamahagi ng cash aid kasama ang DSWD at Gabriela Party-list, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na paunang tulong pa lang ang ipinaabot na ayuda.
Aniya. nakipag-ugnayan na siya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maglatag ng mas komprehensibong tugon sa mga na-displace na mga sugar farmer.
“Simula pa lamang ito ng ating pagtulong. Hindi rito matatapos ang ugnayan at tulungan natin,” he stressed. I have also requested all government agencies now here with us to pool their resources together and come up with a long-term and comprehensive solution to the displacement issue affecting the farmworkers and their families. Inaasahan ko po ang report nila sa office ko sa lalong madaling panahon,” ani Romualdez.
Nasa 770 na sugar workers ang nakatanggap ng P10,000 na tulong pinansyal.
Ang CAPDI ang pinakamalaking sugar mill sa Luzon.
Sa pagsasara nito ay naapektuhan ang nasa 12,000 na farm workers at 125 mill workers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes