Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko, lalo na ang mga mag-aaral na bisitahin ang dalawang binuksang museum sa Malacañang grounds sa San Miguel, lungsod ng Maynila.
Una dito, ang Bahay Ugnayan museum kung saan itinampok ang buhay ng pangulo simula pagkabata, hanggang sa pagkakaluklok sa pwesto, bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas, o kung tawagin ay Road to Malacanang.
Tampok rin sa museyo ang iba pang mahahalagang kaganapan sa buhay ng pangulo, at ng Pamilya Marcos, maging ang People Power Revolution, na nagpaalis sa Marcos Family sa Palasyo, ay pinaglaanan rin ng espasyo sa museyo.
Sa Teus Museum naman, makikita ang buhay, memorabilla, impormasyon, at mahahalagang kontribusyon ng mga nagdaang pangulo ng Pilipinas.
“It is a museum of all the presidents of the Philippines, with a short description of the circumstances that brought them to power and some of the achievements that they had during their time as president,” —Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, magandang pagkakataon ito, para sa pagkatuto ng mga mag-aaral at sa mga nais na magbalik-tanaw.
“It is now open to the public. I invite everyone to come in there. Puntahan ninyo, lalo na ‘yung ating mga estudyante na nais makita ang lahat ng mga pangulo ng ating Republika ay nandiyan lahat. Nandiyan ‘yung kaunting kuwento ng kanilang buhay at ngayon ay officially open na and that is why I am inviting everyone to come,” —Pangulong Marcos.
Kasama ng pangulo sa ceremonial opening ngayong araw, si First Lady Liza Araneta – Marcos.
Libre, at magiging bukas ang mga museyo para sa publiko, simula June 1, alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
“If you are in this part of the city, come and visit. It’s very educational definitely. It’s free by the way. We don’t charge an entrance fee, so come one and come all and I think that you will find it very, very interesting.” —Pangulong Marcos.
Ngayong araw rin (May 30), inilunsad ang Goldenberg Series na magsisilbi namang platform upang magpakalat ng awareness at para sa pagdiriwang ng diverse cultural heritage ng Pilipinas.
“For those who would like to avail of a guided tour, reservations can be made by emailing [email protected] or by calling (02) 8735-6080. The tour organizers may also be reached through Facebook.” —PCO.| ulat ni Racquel Bayan