Pangulong Marcos Jr., nanawagan sa mayayamang bansa na tuparin ang commitment laban sa climate change

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mayayamang bansa, sa tuparin ang kanilang commitment sa ilalim ng United Nations Framework Convention on Climate Change.

Sa pre-recorded message ng pangulo para sa ginanap na United Nations Regional Forum sa Thailand, binigyang diin ng pangulo na dapat ring tumalima ang industrialized countries sa Paris Agreement.

Sa pamamagitan aniya ito ng pagbabawas ng kanilang greenhouse gas emisson, pagpapadali ng technology transfer, at pagtulong sa developing countries na paliitin ang gap sa climate financing.

Sabi ng pangulo, ang mga maliliit na bansa na kaunti lamang ang ambag sa pagbabago ng panahon ang pinakaapektado ng climate change.

Ang banta aniyang ito ng kasalukuyang panahon ay nangangailangan ng ganap at sama-samang pag-aksyon mula sa lahat ng bansa.

Kaugnay nito, binanggit ni Pangulong Marcos na ginagawa ng Pilipinas ang papel nito sa pagtugon sa Climate Change.

“I am proud to share that the Philippines is taking significant steps to address climate change and shield our people from its shocks. We have investing in renewable energy, implementing sustainable agricultural practices, and prromoting nature-based solutions in adaptation and mitigation. We champion the cause of developing countries, during the conference of parties in Egypt just as we continue to fulfill our nationally determined contributions.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us