Panukalang mag-iinstitutionalized ng school-based mental health program, naipresinta na sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naisponsoran sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong tiyakin ang pangangalaga ng husto sa mental health ng mga mag-aaral sa mga paaralan.

Binigyang diin ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, na sa ilalim ng Senate Bill 2200 ay mabibigyan ng kinakailangang school-based mental health services gaya ng screening, evaluation, assessment, monitoring, mental health first aid, crisis response and referral system, mental health awareness and literacy, at iba pa ang mga mag aaral.

Minamandato ng panukala ang pagtatatag ng “care center” sa bawat public basic education schools na siyang magbibigay ng mental health services.

Nakapaloob rin dito ang paggawa ng mga bagong plantilla positions para sa mga mental health specialist at mental health associates sa Department of Education (DepEd).

Pinaliwanag ni Gatchalian, na ang mga kasalukuyang posisyon na Guidance Counselors I to III at Psychologist I to III ay gagawing mga Mental Health Specialist I to III at ia-adjust ang sweldo nila sa Salary Grade 16, 18 at 20.

Maaari pa silang ma-promote sa Mental Health Specialist IV at V na may suweldong katumbas ng Salary Grade 22 at 24.

Sinabi ng senador, na sa pamamagitan nito ay matutugunan ang kakulangan ng guidance counselors sa mga basic education institution. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us