Parusang death penalty sa mga kawani ng Bureau of Customs na masasangkot sa agri smuggling, ipapanukala ni Sen. Robin Padilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maghahain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas para mapatawan ng death penalty ang mga tauhan ng Bureau of customs (BOC), na mapapatunayang sanggkot sa smuggling ng mga produktong pang agrikultura.

Sa pagsisimula ng pagdinig ng Senate Committee on Agriculture ngayong araw, agad nag-init ang ulo ni Padilla nang mapansin na hindi nakikinig sa kanya ang mga tauhan ng Bureau of Customs na humarap sa hearing.

Napagsabihan ng senador ang mga taga BOC, kung hindi ba sila nahihiya na smuggling ang pinag-uusapan bilang bahagi ng mandato nila ang pigilan ito, at nang dahil sa smuggling ay nahihirapan ang mga magsasaka sa bansa.

Sinabi ng senador, na nakakahiya na bilang agricultural country ay nag-aangkat ang Pilipinas ng mga agricultural product at pinamumugaran pa tayo ng mga smuggler.

Samantala, hindi itinanggi ng Bureau of Customs na may mga tauhan sila na nasasangkot sa smuggling.

Ayon kay Atty. Vincent Philip Maronilla, Assistant Commissioner ng Post Clearance Audit Group ng BOC, posibleng nagmumula ang sabwatan sa kanilang ports.

Maaari rin aniyang magkaroon ng iregularidad sa kanilang anti-smuggling division, dahil sila ang tumutukoy kung pasok sa economic sabotage ang mga nasasabat na smugglers.

Kasabay nito, kinumpirma ni Maronilla na ipinag-utos na ni Customs commissioner Bienvenido Rubio ang imbestigasyon at review sa mga kaso ng smuggling. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us