Nagsagawa ng medical assistance ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga residente ng lungsod ng Marikina.
Sa naturang okasyon, nabahagian ang mga taga-Marikina ng libreng dental at medical consultation, bunot ng ngipin, mga gamot, at grocery packs. Ang mga serbisyong ito ay karadagdagan sa regular na libreng medical at health care services na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod para sa mga taga-Marikina.
Kaugnay nito nagbigay din ng ng scholarship certificates sa dalawang mag-aaral mula sa marikina kabilang na ang chairty fund na handog ng PCSO sa Marikina. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
: Marikina PIO