Nagpahayag ng suporta si PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brig. Gen. General Faro Olaguera sa plano ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na mag-deploy ng Special Action Force (SAF) troopers sa PDEG.
Ayon kay BGen. Olaguera, kumpiyansa siya sa kakayahan ng SAF na gumanap ng aktibong papel sa anti-drug operations dahil sila ang itinuturing na “elite unit” ng PNP.
Kung sakali aniyang matuloy ang plano, kailangan lang sumailalim sa dalawang linggong pagsasanay ang SAF troopers para maging pamilyar sa Anti-Drug Operations.
Samantala, iniulat ni BGen. Olaguera na umabot na sa 117 mula sa dating 97 ang mga tauhan ng PDEG na inalis sa pwesto.
Sa 20 nadagdag, 13 dito ay sinasabing konektado sa isyu ng narekober na 990 kilos ng shabu noong nakaraang taon, habang ang 7 naman ay dahil sa ibang kadahilanan.
Kasalukuyan din aniyang sumasailalim sa refresher course ang mahigit 1,000 nilang tauhan bilang bahagi ng patuloy na paglilinis ng kanilang hanay. | ulat ni Leo Sarne