Phil. Navy, sumaklolo sa 2 nagbanggaang barko sa Mactan Channel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naligtas ng Philippine Navy ang mahigit 200 pasahero at crew ng Supercat Ferry St. Jhudiel, matapos makabangga nito ang cargo vessel LCT Poseidon 23 sa Mactan Channel, malapit sa Cebu-Mactan (Osmeña Jr) Bridge kahapon ng hapon.

Ayon sa Naval Forces Central, agad nilang dinispatsa sa pamamagitan ng Naval Task Force 50 ang BRP Enrique Jurado (PC371) sa pamumuno ni Commander Jesus Kingking II, at 5th Patrol Boat Division sa pamumuno ni Lieutenant Commander Junefil Tubog para rumesponde sa insidente.

Nasa 28 mga pasahero ang isinakay ng Phil. Navy at inihatid sa Captain Veloso Pier, Naval Base Rafael Ramos (NBRR), Lapu-Lapu City, Cebu kung saan tumanggap sila ng first aid sa mga tauhan ng BRP Batak (LC299).

Anim sa mga ito ang inilipat sa Mactan Doctors Hospital, at 22 ang inihatid sa Pier 1, Cebu matapos gamutin.

Habang inescort naman ng BRP Enrique Jurado sa tulong ng commercial tugboat T/B Fortis, ang napinsalang Supercat sakay ang nalalabing 169 na pasahero at 13 crew sa Pier 1, Cebu City.| ulat ni Leo Sarne

Photo: NFC-PAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us