PNP Chief, dumistansya sa pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na pinahirapan ito at binantaan para umamin sa krimen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumanggi munang magbigay ng kaniyang komento si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr.

Ito ay kasunod ng pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na si Osmundo Rivero, na pinahirapan siya ng mga pulis at pinagbantaan pa ito para umamin sa krimen.

Sa ambush interview kay Acorda sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi nito na hindi pa niya hawak sa ngayon ang kopya ng naging salaysay ni Rivero.

Una rito, sinabi ni Rivero na maliban sa pagpapahirap sa kaniya, pinagbantaan din umano ng mga pulis na umaresto sa kaniya ang pamilya nito kung hindi aakuin ang kaniyang partisipasyon sa pagpatay kay Gov. Degamo.

Sagot dito ni Acorda, ayaw niyang pangunahan ang itinatakbo ng imbestigasyon at makabubuti aniyang hintayin muna ang resulta nito bago siya makapagbigay ng anumang pahayag hinggil dito. | ulat ni Jayamrk Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us