PNP Chief, nagsagawa ng ‘Command Visit’ sa NCRPO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. para sa isang command visit sa National Capital Region Police Office o NCRPO kaninang umaga.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi nito ang kanyang plano para sa modernization program ng PNP.

Isa na rito ang pag-iinvest ng pambansang pulisya sa ICT upang mas mabilis at magkaroon ng modernong kagamitan ng PNP.

Dagdag pa ng PNP Chief, nais din niyang magkaroon ng career development ang mga kawani ng PNP para sa mabilis na proseso ng mga promotion.

Pinasalamatan din niya ang pinuno ng Quezon City Police District Police Major General Nick Torre dahil sa mabilis na pag-aksyon sa mga krimen sa lungsod Quezon gamit ang makabagong teknolohiya sa intelligence ng kanilang hanay.

Sa huli sinabi ni Acorda, asahan ng publiko ang mas aktibo at mas modernong PNP sa kanyang pamumuno. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

?; NCRPO PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us