Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 6,000 Tourist Police sa iba’t ibang pangunahing tourist destinations sa buong bansa bilang bahagi ng Oplan Ligtas Sumvac 2023.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kabilang dito ang Boracay, Palawan, at Siargao na dinadayo ng mga lokal at dayuhang turista.
Kasama din aniya sa deployment ang mga pulis na ikinalat sa mga pangunahing lansangan at transportation hubs para umalalay sa mga biyahero.
Ito aniya ay para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayang inaasahang magbabakasyon sa kani-kanilang mga lalawigan, partikular ngayong Mayo na panahon ng mga fiesta.
Binilinan na rin aniya ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng mga Police commanders na siguraduhin ang Maximum Police Visibility sa kani-kanilang area of responsibility bilang pangontra sa krimen. | ulat ni Leo Sarne