Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan sa nakatakdang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Redrico Maranan, naka-template naman ang latag ng kanilang seguridad sa tuwing may mga gampaning panghalalan tulad ng Barangay at SK.
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng PNP ang mga Private Armed Group (PAG) na silang madalas gamitin ng mga pulitiko para protektahan ang kani-kanilang mga manok.
Gayundin ang pagmo-monitor sa mga loose firearm na kadalasan ding ginagamit ng mga magkakatunggali sa halalan para sa sarili nilang interes, at para gamiting panakot sa kanilang mga kalaban.
Samantala, wala pang inilabas ang PNP na mga lugar na maituturing nilang hotspots lalo’t ang tutukoy aniya ng mga ito ay ang Commission on Elections (COMELEC). | ulat ni Jaymark Dagala