PNP, nakikipag-ugnayan sa CAAP sa posibleng pag-uwi ni Cong. Teves sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Philippine National Police sakaling bumalik sa bansa si Congressman Arnie Teves.

Ayon kay PNP SpokespersonGeneral Red Maranan, kabilang sa ginawang paghahanda ang pakikipag-ugnayan nila sa Civil Aviation Authority of the Philippines at inalerto ang mga Aviation Security Unit Chief sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ito ay para malaman kung sakaling dumating si Teves gamit ang sasakyang panghipapawid.

Sinabi ni Maranan, hangga’t wala pang naisasampang kaso kay Congressman Teves ay mananatili ang order na bigyan ito ng seguridad saan man siya magpunta dito.

Una nang sinabi ni Teves na may banta sa kaniyang buhay. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us