PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong modus ng mga mandurukot sa pampublikong sasakyan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ingat sa bagong modus ng mga mandurukot sa pampublikong sasakyan.

Ito’y matapos na kumalat sa social media ang post ng isang muntik mabiktima ng grupo ng limang magkakasabwat sa loob ng isang jeep.

Modus ng grupo ang buhusan ng palihim ng toyo o oyster sauce ang damit ng biktima, at habang tinutulungan kunyari ng isang miyembro ng grupo, sasamantalahin ng ibang miyembro ng grupo ang pagkakataon para dukutan ang biktima.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Red Maranan, ito ay “evolution” ng dating modus ng dura-dura gang at bubble-gum gang.

Payo ni Maranan sa mga makaranas ng ganitong pangyayari, huwag kumprontahin ang mga kriminal at baka armado ang mga ito, at tandaan na lang ang kanilang mga mukha o palatandaan sa katawan para ma-report sa pulis.

Kunin din aniya ang plaka ng pampublikong sasakyan dahil kalimitan aniya ay kilala ng mga drayber ang mga kriminal. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us