Post Office building, nasusunog ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang nasusunog ang isa sa mga iconic building, ang Post Office building sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa inisyal na pahayag ng Bureau of Fire protection bandang alas-dose ng hating-gabi nag-umpisa ang naturang sunog at magpahanggang ngayon ay patuloy na inaapula ng Bureau of Fire Protection ang naturang sunog.

Umabot na sa Task Force Charlie ang naturang sunog kung saan halos buong building na ng post office at abo na ang loob.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagdating ng mga bumbero mula sa iba’t ibang fire districts ng Maynila. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us