Postal at Nat’l IDs na nakatakdang ipamahagi sa Maynila, kabilang sa natupok ng sunog sa post office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa nga sa mga napabilang sa natupok ng malaking sunog na naganap sa isa sa pinakamatandang gusali sa lungsod ng Maynila, ang National at Postal IDs na nakatakda na sanang ipamahagi sa publiko.

Ayon kay Postmaster General Louie Carlos na bukod sa communication letters mula sa korte at ilang mga sulat o parcels mula sa ibang bansa ang natupok ng apoy.

Kabilang din sa nga nasunog ang PhilPost Museum kung saan naroroon ang ilang postal stamps na bahagi na ng kanilang kasaysayan.

Ayon kay BFP NCR Regional Director Nahum Tarrozac, nag-umpisa ang sunog sa general services department sa basement area kung saan nakaimbak ang ilang ‘unserviceable’ na mga gamit.

Nahirapan din ang BFP na mag-apula ng apoy dahil gawa sa kahoy ang sahig ng palapag ng naturang gusali.

Ideneklarang fire under control ang sunog kaninang 7:22 ng umaga at patuloy ang mopping operations ng BFP sa naturang makasaysayang gusali sa Maynila. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us