Pres. Marcos Jr., inamyendahan ang fixed term para sa mga pinuno ng major Service Command ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na mag-aamyenda sa fixed term para sa mga pinuno ng major service command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Base sa nilagdaang amendment ng Chief Executive na Republic Act 11939, mababawasan ang fixed term ng mga major service commanders sa dalawang taon mula sa tatlong taon.

Ito ay ang Philippine Army Chief, Philippine Air Force Chief, at Philippine Navy Chief gayundin ang PhIlippine Military Academy Superintendent.

Ganunpaman, mananatili sa 3-year fixed term ang tour of duty ng AFP chief of staff.

Nakapaloob din sa amendment ang pagpapalawig pa ng isang taon ang serbisyo ng mga may ranggong 2nd Lieutenant o ensign hanggang Lieutenant General o Vice Admiral.

Mula sa 56, magiging 57 na ang retirement age ng mga nabanggit na ranggo.

Nilagdaan ng Pangulo ang pag-aamyenda kahapon, May 17, 2023. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us