Proteksyon para sa mga magsasaka laban sa hindi makatwirang farm gate price, balak isabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang panukalang batas para sa proteksyon ng mga magsasaka at consumer ang nais ikasa ng House Committee on Agriculture and Food kasunod ito ng mga nabunyag sa imbestigasyon ng sibuyas hoarding.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, isa rito ang pagrepaso sa Philippine Competition Act para palakasin ang probisyon sa ‘Fair Trading’

Isa kasi aniya sa butas nito ay ang kawalan ng malinaw na probisyon pagdating sa hindi makatwirang farm gate price na itinatakda ng mga mapagsamantalang negosyante.

“Malaking butas talaga ito, yung tinatawag na fair trading in agriculture, kasi sa ngayon ang inaasahan talaga is yung Philippine Competition Act. Meron dun isang provision….. and it has to do with very low farm gate prices but that’s it there’s very vague language on unfairly low farm gate prices. Tingin ko farmers deserve an entire law to protect them.” saad ni Quimbo.

Kasama sa iba pang reporma na isinusulong ng komite ang pagkakaroon ng competItiveness enhancement fund para sa mga magsasaka ng sibuyas, pagkakaroon ng regulatory framework para sa mga cold storage facility at pagtatatag ng registry ng mga onion trader. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us