Publiko, pinag-iingat sa mga taong nagpapakilalang opisyal ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development ang publiko laban sa mga taong nagpapanggap na konektado sa ahensya.

Ayon sa DSWD-MIMAROPA, nakatanggap sila ng ulat na may ilang indibidwal na nagpapakilala bilang opisyal ng kagawaran at nakikitungo sa mga mapanlinlang na aktibidad sa mga supplier nito.

Hinihikayat ang publiko na maging mapagbantay sa pakikitungo sa mga indibidwal na nagsasabing sila ay kumakatawan sa DSWD-MIMAROPA.

Maaaring kabilang dito ang mga solicitations, donasyon at iba pang transaksyon.

Nagbigay payo pa ang DSWD na mangyaring i-report sa kanilang tanggapan ang sinumang kahina-hinalang indibidwal na gumagawa ng iligal na aktibidad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us