QC LGU, kampante na naibibigay nito ang serbisyo para sa mga manggagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinitiyak ng Quezon City government na sinisikap nito na matugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa sa lungsod.

Ngayong Labor Day, binibigyan ng lokal na pamahalaan ng pagkilala ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Sinisiguro naman ng pamahalaang lungsod na tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng mga programa at proyekto nito .

Ito’y upang matiyak na ang mga serbisyo ng lungsod ay naihahatid sa mga residente para sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.

Ipinangako pa ng pamahalaang lokal na katuwang ito ng mga manggagawa sa pagkamit ng kanilang pangarap para sa sarili, pamilya at para sa bansa.

Ngayong araw, ginaganap ang job fair sa lungsod na inisyatiba ng Cooperative Development Authority, Department of Labor at Quezon City government. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us