Puspusan na rin ang paglilinis at pagtatanggal ng mga bara at basura sa mga kanal at daluyan ng tubig sa Lungsod Quezon.
Isinasagawa ito ng pamahalaang lungsod bilang paghahanda sa epekto ng bagyo na inaasahan nang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong weekend.
Sabay-sabay nang ipinatutupad ng Quezon City Engineering Department ang declogging operations sa mga distrito ng lungsod.
Partikular dito ang mga lugar sa Barangay NS Amoranto sa District 1, Barangay Payatas sa
District 2, Barangay San Isidro Galas sa District 4 at Barangay San Bartolome sa District 5.
Bukod dito, tuloy-tuloy din ang paglalagay ng flood markers sa mga flooded area, pinakahuli ay sa Barangay Culiat at Tandang Sora. | ulat ni Rey Ferrer
📷: Quezon City Government