QC Mayor, nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas, rubella at polio

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases, gaya ng tigdas, rubella, at polio.

Para kay Mayor Joy Belmonte, bakuna ang pinakamabisa at pinakamatipid na paraan para maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit na ito.

Sa kasalukuyan ay ongoing na ang pag-iikot ng Quezon City Health Department para sa city-wide implementation ng Chikiting Ligtas vaccination program ng Department of Health (DOH).

Para paigtingin ang bakunahan, nag-set up na ang LGU ng temporary vaccination posts sa mga palengke at covered courts.

Tuloy-tuloy rin ang house-to-house inoculation activities partikular sa ‘most remote areas’ sa lungsod.

“Bawat eskinita at kalye sa ating lungsod ay sinusuyod ng ating mga health worker para masiguro na bawat bata ay bakunado at protektado mula sa mga vaccine-preventable diseases” Mayor Joy Belmonte.

Target na mabakunahan sa QC LGU ang nasa 230,347 kabataan laban sa tigdas at rubella habang 270,977 kabataan naman laban sa polio.

“Kahit matatapos na itong Chikiting Ligtas vaccination activity ngayong Mayo, hindi titigil ang lokal na pamahalaan para bakunahan at protektahan ang ating mga anak mula sa mga sakit na pwede namang maiwasan sa tulong ng mga bakuna,” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us