Resulta ng mga petisyon sa wage increase, malapit nang ilabas ayon sa DOLE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ipalalabas na sa publiko sa lalong madaling panahon ang ilang desisyon hinggil sa mga petisyon sa dagdag-sahod sa bansa.

Ayon kay DOLE Chief Sec. Bienvenido Laguesma gumagalaw na ang mga usapin sa sahod at proseso na may kinalaman sa mga nakahaing petisyon sa iba’t ibang tripartite at wages activity boards at makikita sa loob ng ilang panahon.

Sinabi pa ni Laguesma sa panayam na kahit ang regional tripartite wages ng productivity boards na wala namang nakahain na petisyon ay may mandato rin.

Sa nagdaang anim na buwan, sinabi ni Laguesma na ang Labor Department ay abala sa pagsasama-sama ng Philippine Development Plan at ang Labor and Employment Plan na naglalaman ng mga programa ng administrasyon na idinisenyo upang tugunan ang mga pakiusap ng mga manggagawa.

Kabilang aniya sa plano ang “inclusive growth, reduction of poverty incidence” at mga probisyon sa kalidad ng mga trabahong inaalok sa mga manggagawa.

Pero, binigyan-diin nito na ang nasabing plano ay may mga yugto at hindi dapat isailalim sa mabilis na pagpapatupad. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us