Rotational brownout sa Panay at Negros Islands, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo sa Department of Energy (DOE) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyayaring rotational power outage sa Panay at Negros Islands.

Ang panawagang ito ay matapos aniyang makatanggap ng hindi magkakatugmang pahayag ang senador mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Central Negros Electric Cooperative Inc (Ceneco) tungkol sa sitwasyon sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay Tulfo, nagtuturuan ang NGCP at Ceneco kung sino ang may pagkukulang sa sitwasyon.

Una nang inilagay sa red at yellow alert ang Visayas grid kung saan kabilang ang Panay, Cebu, Negros, Leyte, Samar, at Bohol island grids.

Ibig sabihin nito ay manipis ang supply ng kuryente sa naturang lugar. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us