SAF, palalakasin ni PNP Chief Acorda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalakasin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Special Action Force (SAF).

Ito ang inihayag ni Gen. Acorda sa mga mamamahayag matapos pangunahan ang pagdiriwang ng aniberasyo ng SAF kahapon sa Camp Bagong Diwa.

Tiniyak ng PNP chief na ibibigay niya ang buong suporta sa SAF sa kanilang mga pangangailan pagdating sa manpower, armas, komunikasyon, at transportasyon.

Paliwanag ng PNP chief, malawak na rin ang kanyang karanasan sa pagsama sa mga operasyon ng SAF at nakita niya ang mga “vulnerability” ng mga tropa.

Binigyang-diin ng PNP chief na hangga’t maari ay wala dapat na maulila na pamilya ng mga SAF trooper.

Masisiguro aniya ito sa pamagitan ng pagbibigay sa mga tropa ng tamang kagamitan at logistic support. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us