Sen. Joel Villanueva, nagpositibo muli sa COVID-19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ikatlong pagkakataon, muling nagpositibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Sa isang pahayag, sinabi ni Villanueva na nagsimulang sumama ang pakiramdam niya noong Huwebes pero inakala niyang epekto lang ito ng kanyang knee injury.

Nang makaramdam aniya siya ng fever-like symptom ay nag-antigen test na siya at lumabas na positibo siya sa COVID-19.

Ibinahagi ng senador na Senado at bahay lang ang kanyang pinuntahan nitong nakalipas na linggo pero tinamaan siyang muli ng virus.

Sa ngayon ay naka-isolate pa ang mambabatas habang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 RT-PCR test.

Habang naka-isolate ay magpapatuloy pa rin aniya ang trabaho para sa Senate Majority leader lalo na’t tatlong panukalang batas ang nakabinbin para sa pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa.

Kabilang na dito ang isinusulong niyang Trabaho Para sa Bayan bill.

Una nang nagpositibo sa COVID-19 ang senador noong January at August 2022. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us