Naniniwala si Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo, na mas magiging paborable sa mga mamumuhunan sa bansa ang pagiging mahigpit ng gobyerno sa pagpapatupad ng franchise agreement ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito ang tugon ni Tulfo kaugnay ng babala ng ilan na maaaring ma-turn off ang mga foreign o local investor kung babawiin ng gobyerno ang prangkisa ng NGCP.
Para kay Tulfo, mas matutuwa pa nga ang investors dahil alam nilang sinusunod ng husto ang mga kontrata dito sa ating bansa.
Una nang nirerekomenda ng senador na mabawi ang prangkisa ng NGCP, dahil sa mga paglabag sa mga nakasaad sa legislastive franchise nito.
Napag-alaman, na ang prangkisa ng NGCP ay para sa 50 taong pamamahala sa power grid ng bansa at nagsimula ito taong 2009. Sa ngayon, kinukumpleto na ni Tulfo ang mga dokumento para mapatunayang dapat nang ma-revoke ang prangkisa ng NGCP. | ulat ni Nimfa Asuncion