Senadora Cynthia Villar, itinuturing na bigo ang Anti-Agricultural Smuggling Law dahil sa kawalan ng ‘conviction’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Senate Committee on Agriculture Chairperson Senadora Cynthia Villar na bigo ang Anti-Agricultural Smuggling Law (RA 10845).

Pinunto kasi ni Villar na matapos ang pitong taon nang ito’y maisabatas ay wala pa ring nahahatulan sa ilalim ng batas na ito.

Dahil dito, isinusulong ng senadora na magkaroon ng mga amyenda sa naturang batas.

Sa naging pagdinig ng senate panel, ibinahagi ni Bureau of Customs (BOC) Legal Service Acting Director William Belayo na wala pang nahahatulan sa ilalim ng batas.

Pinunto ni Belayo na kabilang sa mga problema kaya nagkakaroon ng non-conviction ay ang mataas at maraming requirements para sa pagsasampa ng non-bailable cases na may kaugnayan sa economic sabotage violation.

Sinasang-ayunan naman ng Bureau of Customs (BOC) ang suhestiyon na pag-standardize ng valuation ng mga imported na produkto, na ngayon ay nasa diskresyon ng customs examiner.

Kabilang sa panukalang amyenda ang pagsasama sa gawaing maituturing na economic sabotage ang hoarding, profiteering, at cartel ng agricultural products.

Sinabihan rin ni Villar ang BOC na tulungan ang kongreso sa pag-amyenda ng batas para hindi makawala ang large scale smugglers at maging mas epektibo ang batas dahil ang imahe rin aniya ng ahensya ang maaapektuhan kapag walang napapanagot na mga smuggler. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us