Nais ni Senador Robin Padilla na magkaroon ng Senate Inquiry tungkol sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office para makahanap ng mga paraan para mapangalagaan ang mga cultural properties ng ating bansa.
Sa paghahain ng Senate Resolution 628, iginiit ni Padilla na ang insidente ay nagpapakita ng vulnerability ng ating national cultural heritage sa sunog at iba pang mga sakuna.
Kinakailangan aniyang kaagad na repasuhin ang pagiging epektibo ng mga kasalukuyang patakaran sa pangangalaga ng mga ito.
Pinunto ng senador na ang Manila Central Post Office ay isang “iconic neo-classical building” na idinisenyo noong 1926 ng mga Amerikanong arkitektong sina Ralph Doane at Tomas Mapua, at Pilipinong arkitektong si Juan Marcos de Guzman Arellano.
Aniya, sa halos 100 taon, ang Post Office building ay kilala bilang “grandest building” at isa sa mga “dominating landmarks” sa Metro Manila.
Dagdag pa ng mambabatas, ang Manila Central Post Office ay konkretong representasyon ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas kaya ang pinsalang nakuha nito ay isang malaking dagok sa ating cultural heritage. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion