Special Operations Unit ng PDEG, ‘di na bubuwagin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na bubuwagin ng PNP ang mga Special Operations Unit (SOU) ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Ito ang an inanunsyo ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. matapos niyang ikonsidera ang naturang hakbang kasunod ng nangyaring anomalya sa pagkakarekober ng 990 kilo ng shabu noong nakaraang taon.

Ayon sa PNP Chief, matapos ang masusing pag-aaral, napag-desisyunan na higpitan na lang ang vetting process sa mga pulis na magiging miyembro ng PDEG.

Paliwanag ni Acorda, personnel ang problema sa SOU kaya ang pagpili ng personnel ang dapat tututukan.

Sa ngayon ay may direktiba nang ibinaba sa mga field commander na higpitan ang kanilang pagsala sa mga pulis na ipu-pwesto sa PDEG at DEU.

May dokumentong pipirmahan ang mga field commander na nagpapatunay na nagsagawa sila ng mahigpit na background check sa pulis.

Mahaharap sa serious neglect of duty ang field commander na magpupwesto sa tiwaling pulis sa PDEG at DEU, gayundin ang kanilang station commander, provincial director at regional director. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us