Upang masupil ang deliquent employers sa lungosd ng Makati, nagsagawa ng “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ang Social Security System sa iba’t ibang establisyimento na sakop ng SSS Makati Chino Roces branch, NCR south division sa Makati City ngayong umaga.
Kung saan walong kumpanya ang target nitong isyuhan ng notice of violation ang mga employer na hindi naghuhulog ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Kabilang sa mga naihaing notice of violation ay mula sa food and business contstruction firm at telecommunication companies.
Batay sa pinakahuling tala ng SSS Makati Chino Roces branch, aabot sa mahigit 10.4 million pesos ang kabuuang halaga ng mga benepisyong hindi naibigay ng mga naturang employers sa kanilang mga empleyado na nasa 201 employees.
Kaugnay nito, ayon kay SSS Assistant Vice President Maria Rita S. Aguja sa employers na bayaran na ng nasa tamang panahon ang mga contribution ng kanilang empleyado upang hindi umabot sa paghahain ng notice of violation sa mga ito. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio