Umabot na sa general alarm ang sunog sa Post Office building, na isa sa mga makasaysayang gusali sa Lungsod ng Maynila, kung saan patuloy pa rin itong inaapula.
Iba’t ibang firetrucks mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ang rumesponde sa naturang sunog kung saan nababalot pa rin ng maitim na usok.
Sa ngayon ay patuloy pa ring inaapula ng Bureau of Fire Protection at ng ilang mga volounteer ang sunog. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio